CHAPTER 47
Patricia's POV (Ambush)
"How can I escape this day again?"
Bumuntong hininga ako bago tumayo sa kama. Binuksan ko ang bintana kaya kumawala ang sinag ng araw sa kabuuan ng kwarto. Another day means another stressful day for me.
Hindi ko alam kung nagtangka pa si Callum na puntahan at komprontahin ako kagabi rito sa kwarto dahil mabilis akong nakatulog. Kumakalam na ang sikmura ko kaya kahit ayaw kong magkita kami ni Callum sa ibaba ay bumaba parin ako para kumain.
"Magandang umaga po, Mam" bati sa'kin ng katulong. "May pagkain na po sa hapag❞
Tumango ako bago sinipat ang paligid. "Uh...si Callum?"
"Na'ko, nasa kwarto niya po. Uminom kagabi at madaling araw na natapos doon sa may pool area"
Nag salubong ang kilay ko. "What? Nag inom siya? Marami ba ininom?"
Tumango naman siya. "Opo...nag kalat din ang mga basag na bote roon sa likod..."
Nasapo ko ang bibig sa gulat. He got drunk. I-Is it because of m-me? About what he found out?
Hindi muna ako kumain at dumiretso sa pool area. Halos manlaki ang mata ko ng makita ang mga natapon na alak sa ibabaw ng lamesa. Ang mga basag na bote ay nag kalat naman sa ibaba.
I know he did this on purpose. Was he already devastated to me? Gosh, I'm started to get worried.
Bumalik ako sa kusina at hinanap si Nanay Nelia para tanungin. Nakita ko siya'ng nagpupunas ng lamesa.
"Mam, may kailangan po kayo?" tanong niya ng makita ako.
Napalunok ako bago tumingin sa paligid. "Ano po ang nangyari kay Callum? Nag lasing daw po siya?"
Wala ako'ng nabakas na emosyon sa mukha niya kaya kinabahan ako. Alam kong matagal na siya'ng naninilbihan sa mga Velasquez at may pakiramdam ako na mapagmasid siya.
Paano kung sabihin niya kay Mrs. Velasquez ang sitwasyon dito? Alam ko rin naman na pansin nilang may distansya kami ni Callum sa isa't isa.
"Oo, nag lasing siya pero ayos na siya at natutulog na sa kwarto. Uh.. nag-away ba kayo?"
Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko 'yon ipinahalata.
"Noong isang araw ko pa kasi napapansin na parang problemado siya. Siguro kaya siya ganyan dahil may problema sa kompanya, tama ba?"
Wala sa sariling napatango ako, kunwari na sang-ayon.
Tila nawalan ako ng gana pero pinilit ko parin kumain. Nang matapso ay nag pasya na ako'ng umakyat sa kwarto pero napahinto ako ng madaanan ang kwarto ni Callum.
Kumain kaya siya kagabi bago nag inom? Gusto kong tignan at konsultahin ang itsura niya pero nag dadalawang isip ako. Mas nag-alala pa ako dahil hindi na siya nakapasok ngayon sa trabaho.
"What now, Patricia?" bulong ko sa sarili. "Kasalanan mo 'to, e!"
Siguro ay nasa limang minuto ako'ng nakatayo sa harap ng kwarto ni Callum bago ako nag pasya na pumasok roon.
Huminga ako ng malalim at ipinihit ang doorknob.
Parang bumalik sa'kin ang alaala noong unang beses na pumasok ako rito. Pabango niya parin ang sumalubong sa pang amoy ko. Medyo madilim sa kwarto niya pero sapat na ang liwanag galing sa side lamp para makita ang mukha niya. Dahan-dahan ako'ng lumapit sa kama. Tumayo lang ako sa gilid at pinatitigan ang maamo niya'ng mukha habang natutulog. May comforter na nakabalot sa katawan niya.
Agad ko rin napansin ang mga papel na nagkalat sa sahig mula sa table niya, para bang ikinalat talaga ang mga ito. Hindi lang papel kundi pati folders, mga damit at ilang gamit ang nasa sahig. Napaismid lang ako dahil sa dami ng kalat na dapat linisin.
"What are you doing, Callum..." marahan kong bulong bago maingat na umupo sa tabi niya.
Inayos ko ang comforter sa katawan niya at tila nag kusa ang kamay kong hawakan ang buhok niya. Hinaplos ko iyon. Napangiti ako sa lambot ng buhok niya.
Bumaba ang mata ko sa mukha niya. He looks tired. He looks sleepless based on his dark under eyes. Mukhang tama nga si Nanay Nelia. Problemado na siya sa kompanya tapos...sinabayan ko pa.
My eyes then darted on his lips. I looked at it intently and I want to curse myself because of suddenly having the urge to kissed him, damn! My memories with him doing that 'thing' here in this room were flashing back! Bago pa ako mabaliw sa mga naiisip ay tumayo na ako at bumaling sa mga kalat sa sahig.
Sinimulan kong pulutin isa-isa ang mga papel at folders, inayos ko ang mga 'yon bago ibinalik sa lamesa at isinalansan ng maayos. Maingat lang ang mga galaw ko dahil baka magising si Callum.
Sunod kong kinuha ang mga damit niya na para bang sinadyang kunin mismo sa closet at itinapon dito.
I folded all of those and bring back inside his closet. I got amazed a bit seeing his clothes properly arranged inside the closet. Everything's look so expensive too.
Hindi ko na rin binuksan ang bintana ng kwarto niya para hindi na siya magising. Sinigurado ko rin na malinis ang buong kwarto niya bago ako lumabas. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
I decided to stay in the pool area since I don't have anything to do. Nakasalubong ko ulit si Nanay Nelia, nagtaka ako dahil iba na ang suot niya'ng damit at may hawak siya'ng mga bag. "May pupuntahan po kayo?" tanong ko.
"Opo, para mag grocery..."
Tumango ako sa kanya. Akma siya'ng aalis ng mag salita ulit ako.
"Pwede po ako sumama?"
Nagulat siya sa sinabi ko pero kalaunan ay ngumiti naman.
"Sigurado po kayo? Sinabi po kasi ni Sir Callum na bawal kayo mapagod-"
"Ayos lang po. Wala rin naman ako'ng pasok ngayon. Sige, magbibihis lang ako,"
Nakangiti ako'ng umakyat sa kwarto at nag palit ng isang puting bistida. Pansin ko nitong nakaraan na lingo ay nagugustuhan ko na ang mag suot ng mga dress. "Tayo na po, mam"
Bago kami lumabas ni Nanay Nelia ay nag sabi ako sa isang katulong na mag handa ng pagkain at gamot ni Callum kung magising na ito.
Nakaparada sa labas ng bahay ang isang itim na van. Nagtaka pa ako kung bakit ito ang gagamitin pero sabi ni Nanay Nelia ay marami daw kasing ipinapabili si Callum kaya ito na lang.
Sa back seat ako umupo at si Nanay Nelia ay sa tabi ng driver. Nang makalabas ng village ang sasakyan namin ay may nakasalubong itong isang black raptor, papasok iyon ng village. Wait, that raptor seems familiar.
Nakita ko rin si Nanay Nelia na humabol ang tingin doon.
"Sasakyan po iyon ni Sir Ramon, kapatid ni Sir Callum" sabi ni Nanay Nelia ng makita ang ekspresyon ko. "Baka po may pakay kay Sir..."
"Oh, kaya pala pamilyar..." but Callum is still sleeping.
Tumahimik ulit kami sa loob ng sasakyan kaya ipinahinga ko ang ulo ko sa head rest at pumikit.
Tingin ko'y halos nasa 15 minutos ang lumipas ng maramdaman kong tumigil ang sasakyan.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Nag mulat ako at tumingin sa unahan. "Nandito na po ba tayo-"
Napatigil ako ng makitang may isang van din na nakahinto sa unahan namin pero hindi naman ito masyadong malapit. Pansin kong nasa medyo tahimik na lugar kami, wala masyadong tao at kabahayan. Tumingin ako sa driver dahil natataranta siya'ng pumipindot sa telepono at kay Nanay Nelia na may ibinubulong.This content is © NôvelDrama.Org.
"Kanina ko pa sila napapansin, sinusundan tayo..."
"What's happening?" I asked so clueless.
Nilingon ako ni Nanay Nelia na may takot na mga mata. "May nakaharang po sa daan natin-"
"Yung van? Baka po nasiraan sila..." tinanggal ko ang seat belt ko at muling tumingin sa labas."Titignan ko lang po-"
"Na'ko, d-delikado!" tarantang sabi ni Nanay Nelia kaya nagtaka ako.
Isn't she just paranoid?
Akma kong bubuksan ang pinto ng back seat pero naaninag ko ang isang dalawang lalaki na lumabas ng van. They are wearing all black outfit with mask.
Sinalakay ako ng kaba nang makita ang baril na hawak nila. Huminto ito mismo sa harap ng sasakyan namin at ipinostura ang baril...
"Oh my god!" sigaw ko sa takot. "D-Dumapa po tayo!"
Yumuko kaming tatlo kasabay ng ilang putok ng baril. Nanginig ang buong katawan ko ng marinig ang mga nabasag na bintana at ilang sigaw galling kay Nanay Nelia.
What's happening? Sino sila? Please, someone slap me and wake me up into this nightmare!
Hindi ko magawa na mag angat ng ulo sa takot na matamaan ako. I could hear my chest throbbing so fast! Hindi tumitigil ang pamamaril hanggang sa tumulo na lang ang luha ko... Saglit ako'ng hindi nakagalaw.
All those happy memories that I had experience the past years with my love ones were suddenly flashing back.
Natatakot ako. May bata sa sinapupunan ko. Katapusan ko na ba?
Sa kalagitnaan ng pag iyak ko ay pinilit kong kuhanin ang cellphone ko sa bag para sana humingi ng tulong pero biglang namanhid ang braso at hita ko.
Nahirapan ako'ng gumalaw.
Nakaramdam ako ng tila likido na dumadaloy sa aking braso pababa, nag simula ako'ng mahilo at makaramdam ng matinding kirot sa katawan hanggang sa unti-unting nilamon ng dilim ang panigin ko...