Chapter 31
Chapter 31
Anikka
"I think Anikka, Lukas likes you."
Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi at ng mahimasmasan ay umiling ako sa kanya. Those words
are too imposible. Sa isang tulad na walang sineseryosong babae, imposible naman iyon. Kahit sabihin
na he's caring or possesive. Eh kung isa iyon sa mga patibong niya, para mahulog ako sa kanya.
Sigurado ako magaling magpahulog ng damdamin ang katulad niya.
" You know what, Ken told me na nagiiba na si Lukas since nakilala ka niya."
Marami pa siyang sinasabi, pero hindi iyon nagsi-sink in sa utak ko.
Ayoko naman kasi mag-assume, mahirap na baka hindi naman magkatotoo. Paano kung ginagawa
lang niya ito, ayokong mapabilang sa listahan ng mga babaeng dinudurog niya. Yeah listahan na iyon ,
sa dami ng naging babae niya?
Sabihin na natin na ikakasal din kami, pero sa tulad niya mukhang wala sa vocabulary niya ang
salitang commitment. It is very obvious na mahirap—hindi wala talagang commitment iyong lalaking
iyon. Siguro kung walang iyang contract na iyan ay hindi papayag iyang si Lukas.
Paano kung mambabae siya? Edi nasaktan lang ako.
"I know that you like him too."
Aniya, mas lalo nanlaki ang mga mata ko. Me liking him? I hate him most of the time, dati iyon. Pero
ngayon kasi wala akong nakikitang dapat ikahate sa kanya. I doesnt mean that I like him. Maybe, but
not that much, ayokong lubusin. tulad noon nagustuhan ko siya pero naturn-off din ako.
But still there is something strange that really make me confuse at hindi ko alam kung ano iyon.
Mukha nga siyang walang kamuwang-muwang sa mundo pero kung makaasta siya ay mapakarami na
niyang alam. Wala akong tama na maisasagot, kung oo ba o hindi. Nalilito ako, hindi ko rin alam sa
sarili ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang may narinig ako na boses.
"Angel! Anikka!" Napalingon kami kina Lukas at Ken na nag-aabang sa pinto. Pareho na sila naka-
sleeveless na shirt at board shorts. Ngiting ngiti sila ngayon at magkaakbay lang. Tss. Kanina halos
magsuntukan na ang mga ito ah! Pero sa bagay kapag away lalaki, hindi pinatatagal saka di naman
masyadong big deal yung nangyari kanina para pag-awayan talaga.
Nakangiti rin kaming nagpunta sa kanila. Binigyan ko ni Angel ng hindipatayotapos look, nag-iwas na
lang ako ng tingin para di mailang.
Pagkatapos ay sabay sabay na rin kaming lumabas.
May bangka na palang nakaabang sa amin, inarkila nila ito siguro. Sumakay na kami at kinabit agad
ang lifevest na nadoon.
Nasa kalagitnaan na kami ng makita ko na nanginginig si Angel. Siguro ay natatakot siya sa dagat.
Naikwento niya kasi sa akin na minsan ay lumubog yung barko na sinasakyan nila. It's been a trauma
to her, pero nawala rin ang panginginig niya ng niyakap siya ni Ken patalikod at hinawakan ang kamay
niya.
Hindi ko maiwasan na pagmasdan sila ng mabuti. Bakit hindi nila totohanin ang relasyon nila, bakit
may pafling-fling pa sila na nalalaman. Samantala kami ni Lukas ito magkatalikod lamang.
Tsk! Huwag mong sabihin na gusto mo rin na mapakayakap kay Lukas. Aba! Gusto mo ba na magwala
ang sistema mo at maghurementado pa yang puso mo. Baka hindi mo kayanin at tumalon ka na lang
sa dagat niyan, kainin ka pa ng pating!
Kung ano ano na naman ang naiisip ko. Itinuon ko na lang yung pansin ko sa dagat, natuwa ako dahil
napakalinaw talaga ng tubig, kitang kita ko yung mga isdang naglalanguyan doon. Gusto ko nga na
makakita ng dolphin o kaya pating kung sakali haha!
Maya maya ay huminto kami sa isang isla. Maraming mga corals doon. Pagbaba ay mas lalo pa akong
namangha dahil maraming magagandang shells ang sarap mamulot. Baka ito na lang ang
maisalubong ko kila Nicole.Wala naman kasi masyadong mabibilhan dito at wala rin naman akong
pambili.
Naglipana din doon ang mga sea urchin, kaya doble ingat rin kami sa paglalakad. Panay selfie sila Ken
at Angel. Madalas ay magkayakap sila, basta! Ang sweet sweet nila sa kada pose nila. Si Lukas inaaya
akong magselfie, kaso nahihiya ako. Minsan ay nahuhuli ko siyang kinukuhanan ako ng litrato.
"Lukas! Stop it!" Banta ko. Paglingon ko pala sa kanya ay nakuhanan niya uli ako ng litrato. Amba ko
kinuha sa kanya yung phone niya. Paniguradong pangit ako sa kuha niya, baka nga nakanganga pa
ako doon.
Tapos si Lukas ay inaangat pa yung phone niya para hindi ko maabot. Lokong lalaking iyon, ang hirap
makipag-agawan sa kanya, hindi naman ako ganun katangkaran sa kanya.
"Ang sweet niyo naman." Natigilan kami sa boses na iyon.
Naroon sila Ken at Angel, nakangisi sa amin at binigyan kami ng nakakalokong tingin na parang may
namamagitan sa amin. Meron nga ba? Tss! Naguguluhan ako.
"Ano pang tinutunganga niyo diyan lovebirds! Sakay na, o iiwan namin kayo dito." Natauhan na ako ng
tuluyan at dali dali na akong sumakay sa bangka. Geez! Bakit ba ako nagkakaganito sa kanya. This is
abnormal to me, really abnormal.
Binaling ko na lang yung atensyon ko sa dagat. Ayoko pang isipin ang mga bagay na iyon, if Lukas like
me, if I like him back. Ginugulo ko lang iyong sarilu ko. If siguraduhin ko man, I'm not willing for the
result.
Tinapik na lang ako ni Lukas nang makarating kami sa pampang. Nginitian ko na lang siya, inalalayan
niya ako sa pagbaba ng bangka. Parang akong isang napakafragile na bagay kung makaalalay, kaya
ko naman eh.
Hawak kamay din kaming naglalakad. Gosh! Naghuhurementado na naman ang puso ko. It is just a
simple holding hands, pero kung magwala ang sistema ko wagas and I hate it. Tuloy hindi ako
makatingin sa kanya, baka mas lalo pa itong magwala.
Nilibot muna namin sila sa dagat, mukhang naaliw naman sila sa ganda nito, pero hindi pa nawawala
sa kanila ang pagiging sweet. Ok naman sila kung tutuusin, bakit kasi hindi pa nila totohanin ang
kanilang relasyon, bagay naman silang dalawa. Hay nako bakit ko pa iniisip iyon, hindi ko naman Content rights by NôvelDr//ama.Org.
buhay yan. tss..
Gabi na ng bumalik kami sa bahay, agad sinabihan ni Ken si Lukas na doon daw sila sa isang kwarto.
Tsk! Dalawa lang iyong kwarto dito so ibig sabihin magtatabi kami ni Lukas. Ayoko! Tss.
Hay nako Anikka mag-iinarte ka na naman. nagtabi na nga kayo ni Lukas kaya alam kong gusto mo
rin.
Punyeta talaga pati kunsensya ko ay natuto ng maglandi dahil sa kanya.
Naisipan ko na rin na pumasok sa kwarto, total pagod na ako at dapat na ako magpahinga, kaysa
naman kung ano ano pa ang naiisip ko.
Maya maya ay lumabas ako ng kwarto dahil tinatawag ako ng kalikasan. Pagkatapos ay lumabas na
ako at agad kumunot ang noo ko dahil may narinig akong halinghing hanggang sa lumakas iyon.
"Ahhhhhhh Ken Ohh Ohhhh Shit! Ahhh Keeeen!"
Napamura ako sa naring, tuminding ang balahibo ko at nagsiakyatan ang mga dugo ko sa mukha.
Putya! May gumagawa ng milagro dito. Gusto kong sumigaw pero mas pinili kong pumasok sa kwarto
ko. Grabe umaalingawngaw pa rin iyon sa tenga ko. Dammit! Dammit!
Hindi ba nila naisip maaring may makarinig sa kanila habang ginagawa iyon? Hay nako init nga naman
ng katawan oo!
Ganun na lang ang gulat ko nang marinig kong nagbukas ang pinto. Nasa labas pa siya.. Nagpikit ako
ng mata, ayokong makita niya na gising pa ako. Baka magkwento pa iyon.
Well, May alam kaya siya sa nangyayari sa labas? Tuloy nag-aalangan ako yung magtatabi ba kami o
hindi? Paano kung gawin niya sa akin iyon? Handa ko na bang isuko ang bagay na iniingatan ko?
I should play dead or just leave?
Argggghh! Anikka, kung ano ano na naman ang iniisip mo! Gusto kong sapakin ang sarili ko, simula ng
nakilala ko siya nagiging berde na ang utak ko. Hay.. Hindi ako tatabi sa kanya.
Tatayo ako at doon na lang sa may lapag matutulog, ngunit may mabibigat na binti at braso ang
dumagan sa akin.
Dammit Lukas! Dammit!