Chapter 38
Farrah Nicolah's POV:
"Good evening, Ma'am." Magalang kong bati sa kasama ni Flynn.
Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan ang mga nakikita ko ngayon. Though, ine-expect ko naman talaga na dadating siya ngayong gabi. Pero ang makita siya sa aking harapan na may kasamang ibang babae ay ang hindi ko inakala.
Isang tipid na ngiti lang ang iginawad ng babaeng kasama niya sa akin bilang sagot. Pagkatapos ay bumaling na ulit ito kay Flynn at mas ipinilipit pa ang mga braso nito sa braso niya.
Napalunok ako. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko, pero sakit ang idinulot no'n. Ramdam ko ang walang habas na pagtaas-baba ng aking dibdib. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa kaba, o kung may iba mang rason ay hindi ako sigurado.
Muli akong napabuntong-hininga. Ikinakalma ko ang aking sarili at ipinapaalalahanan na kailangan kong mag focus dahil VIP itong mga pagsisilbihan ko.
"Good evening, sir. Good evening, ma'am." Napabaling ako sa aking likuran ng bumati si Ma'am Lina sa kanila.
Tumabi ako sa may gilid para bigyan ng daan si Ma'am Lina.
"Good evening, Lina. How are you all doing here?" Tanong ni Flynn kay Ma'am Lina.
"Okay naman po kami dito, sir. Wala naman pong problema so far." Magalang at nakangiting sagot ni Ma'am Lina.
Tumango na man si Flynn bilang sagot. "That's good then. Anyway, you have reserved us a table right?"
"Ah, yes, sir! We have reserved you a table for six po. This way, po. Please follow me." Masiglang sagot ni Ma'am Lina.
Kagat ko ang aking ibabang labi at mas lalong isiniksik ang sarili sa gilid. Hawak ko ang door handle at mas linakihan pa ang pagkakabukas nito. Nakita kong tumango si Flynn kay Ma'am Lina bilang sagot.
Bigla siyang lumingon sa gawi ko kaya napatayo ako ng tuwid. Pinilit kong ngumiti kahit ayaw ko naman sana. SOP 'yon sa linya ng trabaho ko, bilang isang waitress, kaya no choice ako.
Ngunit ng makita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin ay agad ding napawi ang ngiti ko. Mariin akong napalunok at hindi ko makapaniwala sa ginawa niya.
Did he just look away from me?
"Let's go inside, babe." Narinig kong sabi ng babae.
Tumango si Flynn sa katabi niya at hinawakan ang likod nito bago sila sabay na pumasok. Ako naman ngayon ang mabilis na nag-iwas ng tingin. Mariin akong napahawak sa stainless door handle at huminga ng malalim. Sino ba ang babaeng 'yon?
Akala ko ba ang mga magulang niya ang mga magiging guest na kasama niya ngayon?
At anong sabi niya? BABE?
Does that mean she's his girlfriend? Or what?
Pero... ano ba ang pakialam ko? Anong bang pakialam ko kung sino 'yong babaeng kasama niya? Ano naman ang pakialam ko kung ano ang relasyon nilang dalawa? Wala naman diba?
Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko at napabuntong-hininga. Walang ingay lang akong nakasunod sa kanila.
Si Ma'am Lina na ang nag-giya sa kanila papunta sa reserved table nila. Nasa likuran lang nila ako, tahimik na nakamasid.
Pinipilit ko ang sarili ko na maging focus at h'wag magpa-distract sa nakikita ko sa aking harapan. I should not mix my personal feelings with work.
Pero... ano ba kasi itong nararamdaman ko?
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napalunok at napabuntong-hininga. Kaba, pait, at hindi ko mapangalanan na pakiramdam ay ang naghahalo-halo kong nararamdaman ngayon.
Nang makarating kami sa reserved table nila ay pinaghugot niya ng upuan ang babae at pina-upo roon. Sa totoo lang ay para akong nanonood ng isang sweet na couple na nag-de-date.
Siguro kong sa ibang pagkakataon, at kung ibang tao lang itong tinitignan ko, ay napapangiti na ako ngayon sa kilig. But the fact na si Flynn ang lalaking nasa harapan ko, at ibang babae ang kasama niya, kaya hindi ko magawang kiligin. Mapait akong napangiti sa aking naiisip. Hindi ba ay ito naman ang gusto ko? 'Di ba ay ito naman ang pinili ko? Kaya bakit pa ako nakakaramdam ng mga ganito? Ano pa ba ang saysay ng lahat ng mga ito?
Muli akong nagpakawala ng isang malalim na hininga. Pilit akong ngumiti kahit sa totoo lang ay labag iyon sa aking kalooban at nararamdaman.
"Thanks babe." Matamis na wika ng babae ng makaupo na ito.
Tumango si Flynn sa kasama at tumabi na ng upo. Ako naman ay dumiretso na sa may counter, malapit lang sa reserved table nila at kinuha ang menu.
Dalawang menu book ang kinuha ko at bumalik na sa doon.
"Nicz, ako na nito." Saad ni Ma'am Lina at inimuwestra ang dala kong menu. "Kuhanan mo na lang sila ng service water at lagyan mo 'yong mga baso nila, please." Dagdag niya pa. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. Mas mainam na nga na si Ma'am na lang ang kumuha ng mga orders nila. "Sige po, Ma'am." Magalang kong sagot sa kanya. Nginitian ako ni Ma'am bago siya umalis. Habang ako naman ay naglakad na pabalik sa may bar para kumuha ng service water.
"Oh! Nicz! Okay ka lang ba?" Tanong ni Via ng maabutan ko siya do'n.
"H-ha?" Nagtataka ko namang tanong sa kanya.
Nakita ko siyang naghihiwa ng fresh mangoes. Siguro ay dah may order siyang mango shake. Pumunta ako sa may gilid niya kung saan nakalagay ang pitcher.
"Oks lang 'yan, Nicz! H'wag kang kabahan. Nand'yan naman si Ma'am Lina kasama mo eh." Sabi ni Via habang patuloy pa rin ito sa ginagawa.
Napalunok naman ako at tumango. "Ah, oo. Okay lang naman ako, e. Normal lang naman siguro na kabahan ako, lalo na at VIP 'yong mga pagsisilbihan ko." Sagot ko naman sa kanya.
Pumasok ako sa loob ng bar at kinuha ko na ang clear glass pitcher. Binuksan ko ang stainless ice box container na naka-attached lang din sa bar's table. Linagyan ko ng ice cubes ang pitcher bago ko 'yon linagyan ng tubig. Distilled ang service water namin dito kaya wala naman siguro iyong problema para sa kanila.
"Oo nga. At saka focus ka lang sa pag-serve sa kanila. Ako na bahala sa tables na naka assign sa'yo." Wika ni Via.
"Okay... salamat ah? Una na ako do'n. Bigyan ko muna sila ng tubig." Paalam ko sa kanya.
Tumango si Via at ngumiti sa akin. Nginitian ko din siya bago ako lumabas na do'n sa bar area. Habang naglalakad ako pabalik sa table ng mga VIP guest na pagsisilbihan ko, ay pinipilit kong maging natural ang galaw ko, pati na rin ang ngiti ko.
Pero nang matanaw ko sila, habang papalapit ako sa kinauupuan nila, ay agad na napawi ang aking ngiti.
They look like a perfect and very sweet couple having an intimate date. The girl has all smiles while talking to Flynn. At sa distansiya nilang dalawa ay parang kay hirap nilang paghiwalayin.
Hindi ko man rinig kong ano ang pinag-uusapan nila, pero sa tingin pa lang ay alam kong masaya silang dalawa.
Bitterness spread throughout my whole system. Mariin akong napalunok at dinaramdam ko ang lalong paninikip ng dibdib ko. Makakaya ko pa kaya ang gabing 'to? Tanong ko sa isipan ko.
But I know I have to do this. Alam ko namang wala akong choice kasi trabaho ko 'to. That is why I really tried to gather all my thoughts, and gain my composure.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at huminto sa may gilid ni Flynn. Hindi ko alam pero parang nairita ako ng hindi man lang nila ako binigyan ng pansin ang presensya ko. Patuloy lang silang nag-uusap at rinig na rinig ko ang hagikhik ng babaeng kasama niya!
Hindi ko masabayan kong anong pinag-uusapan nila. Paano ba kasi, imbes na magsalita ang babae ng malakas e may pabulong-bulong pang nalalaman. Kulang na lang talaga ay ang kumandong siya kay Flynn sa lapit nilang dalawa! Pero, ano bang paki ko sa kung ano ang pinag-uusapan nila? They are my guest and I should respect their privacy.
But the fact na hindi man lang nila napansin ang presensya ko ang nagpairita talaga sa'kin. Pati na rin ang closeness nila. Pero... bakit naman nila ako pagbibigyan ng pansin 'di ba? Hay nako, Nicolah! Mag trabaho ka na nga lang, please!
Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila or kahit na sino sa kanila. Nakita kong natigilan si Flynn at saka ito umayos ng upo. Naiirita man ay hindi ko rin mapigilang mahiya. Pero pinilit ko pa ring maging kaswal at gawin ang trabaho ko. "Ahm... I-i'll just put some w-water on your glass, s-sir."
Gusto kong kastiguhin ang aking sarili ng mautal pa talaga ako. Tumingin si Flynn sa'kin pero nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko makayanan ang intensidad ng titig niya kaya nagpatuloy na lang ako sa paglagay ng tubig sa baso niya. "Thank you." Sabi niya pagkatapos ko.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"You're welcome, sir." Nakayuko lang ako habang tumatango sa kanya.
Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa katabi niya. Ngunit dahil sa magkadikit na halos sila ay hindi ko malalagyan ng tubig ang baso niya since nasa right side iyon. Wala akong choice kung hindi ang pumunta sa left side ng babae at inabot ang baso niya.
"Babe, asan na daw sila Mommy?"
Narinig kong tanong ng babae habang naglalagay ako ng tubig sa baso nito. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kaniya.
Ang babaeng kasama ni Flynn ay naka maroon spaghetti strap satin dress. Pa V-cut ang harapan no'n kaya lumilitaw ang mga masasagana niyang hinaharap. Halata naman sa makinis at maputi niyang kutis na mayaman siya.
Ang hanggang balikat niyang buhok na naka-highlight ay pinakulot ang dulo. Ang perpektong hugis ng kanyang kilay, ang matangos niyang ilong, mahahabang pilik mata, maninipis na labi, at ang perpektong hubog ng katawan niya ay nagsusumigaw ng perpektong kagandahan.
"I don't know, Frey. Wait, let me check."
Nang sumagot si Flynn ay sa kanya naman napunta ang paningin ko. Nakatingin siya sa cellphone n'ya at may ginagawa.
Isang simpleng plain black t-shirt lang ang suot niya at khaki pants. His hair is a bit disheveled, the under of his eyes are a bit dark too. Anong nangyari sa kanya? Para siyang puyat at pagod. Pero sa kabila no'n ay hindi mo maipagkakaila ang kagwapohan niya pa rin ang nangingibabaw.
"Hey, Miss! Are you listening?!"
Natigilan ako sa aking iniisip ng marinig ko ang babae.
"Miss! The glass is already full!" Halos pasigaw na sabi ng babae.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis kong tinapos ang pagbuhos ng tubig. Napalunok ako ng makitang punong-puno na nga ito. Konting galaw lang ay natapon iyon kaya mabilis akong nanghingi ng paumanhin sa kanya.
"Look! Edi umapaw na! Hindi mo kasi tinitignan ang ginagawa mo!" Reklamo niya at umusog pa palapit kay Flynn, natatakot na mabasa.
Kumalabog ang puso ko ng dahil sa reaksyon niya, at pati na rin sa sinabi niya. Nakita niya bang nakatingin ako kay Flynn?!
Lagot ka ngayon, Nicolah!
"A-ahm... S-sorry po, Ma'am. Sorry po."
Pinunasan ko ang konting tubig na natapon sa mesa niya. Kagat ko ang aking ibabang labi habang ginagawa iyon. Paniguradong mapapahiya na naman ako nito ngayon!
"Eh kasi, you're not doing your job well! And why are you keep on looking at your boss while working?! Is that even right?!" Naiiritang ani niya.
"Hey, Frey. Calm down! Why? Ano bang nangyari?" Singit naman ni Flynn.
Nang matapos akong magpunas at tuwid akong nakatayo sa gilid nila pero nakayuko. Hindi naman gano'n karami ang natapong tubig e. Pero sa tingin ko hindi iyon ang ikinagagalit ng babaeng kasama niya. Alam kong hindi lang iyon dahil lang sa konting tubig na natapon sa mesa.
"Well, babe, your employee right here is not doing her job well. Muntik pa tuloy akong matapunan ng water! I don't know why, but she keeps on staring at you while pouring that water on my glass! Kaya ayan tuloy, natapon!" Nakayuko lang ako. Ramdam ko ang nanggagalaiting tingin ng babae at ang mariing titig ni Flynn sa akin.
"Are you fine, Farrah?"
Natigilan ako sa tanong niya. Bakit niya ako tinatanong ng ganyan? Hindi ba ay dapat sa kasama niya 'yon itanong? At ako ay dapat niyang pagsabihan dahil pumalya na naman ako? VIP pa naman sila! "Ah, yes, sir. Sorry po talaga." Hingi ko na lang ulit ng tawad.
"Nicz!" Napalingon ako kay Ma'am Lina ng tinawag niya ako. Mas lalo lang atang kumalabog ang puso ko dahil sa kapalkan ko.
"I'm sorry, sir, ma'am. Is there any problem po ba?" Tanong ni Ma'am Lina sa dalawa.
"No. There's no problem here, Lina." Si Flynn ang sumagot. "Frey, do you want to eat first?" Bumaling si Flynn sa katabi niya. "I think they will come late. Nasa salon pa daw sila e." Dagdag niyang sabi sa katabi. "No, babe. It's fine." Malamyos namang sagot nito. "I'm still full, actually. Masyado akong nabusog do'n sa kinain ko sa condo mo earlier."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Kumunot ang noo ko sa narinig. Parang may ibang meaning kasi 'yong sinagot ng babae sa kanya. Ano kaya ang kinain niya? At... sa condo ni Flynn?Text content © NôvelDrama.Org.
Pagkatapos ng konting komosyong iyon ay balik ako sa trabaho. Buti na lang at hindi pa ganoon karami ang guest sa oras na 'yon. Kinausap ako ni Ma'am Lina at sinabihang wag akong kabahan.
Pero ng dumating ang mga kasama ni Flynn ay hindi ko maiwasang mas kabahan. Mas dumoble pa nga yata ang kaba ko nang makita ko ang mga magulang niya, at ang isang pamilyar na babae.
Iyong babaeng pinagalitan ako ilang araw lang ang nakalipas. May kasama rin silang dalawang may edad ng mga lalaki. Siguro ay mga mag-asawa ang mga ito. At na kompirma ko lang iyon nang marinig ko silang nagbatian sa isa't-isa. The other couple that arrives is Flynn's parents, while the other couple is the girl's parents. Para silang may mini-reunion. Buti na lang talaga at nakuha na pala ni Ma'am Lina ang order nila kanina.
Tumulong lang ako sa pag-serve ng mga pagkain. Nakatayo lang ako dito sa gilid habang tinitignan sila. Kumakain na sila ngayon at nag-uusap-usap.
Dumako ang paningin ko sa pinakabatang pares sa kanilang mesa. Specifically sa babaeng katabi niya. All her postures and gestures scream elegance. Just like all of them there.
At habang tumagatal ko silang tinitignan ay may na-realize rin ako. Isa na ro'n ay ang pinanggagalingan ni Flynn at ang agwat naming dalawa.
He came from a rich and known family. He is powerful, he has a lot of connections and has accomplished a lot of things already.
Unlike me, na isang hamak na waitress lamang. Walang wala ako sa yaman niya at sa mga narating niya na. Parang nanliit ako bigla. Mabuti na rin siguro na hindi ko tinaggap ang pakikipag-relasyon niya. Dahil bukod sa ayaw kong masaktan, ang layo naman nang agwat ng estado naming dalawa, kaya hindi talaga kami bagay.
"Nicz, okay ka lang?" Napatayo ako ng tuwid ng biglang sumulpot si Ma'am Lina sa gilid ko.
"Ahh, oo ma'am. Okay lang po ako. Salamat po." Sagot ko.
"Ano ba kasing nangyari kanina?" Tanong niya.
"Ah, natapon ko po kasi 'yong tubig, Ma'am. Sorry po, di ko po sinadya 'yon kanina."
"Ah, gano'n ba? Okay lang 'yon. Butu na lang at hindi naman na pinalaki ni Miss Freya 'yong issue." Sabi niya naman. "Basta ba't next time ay mag-iingat ka na lang, okay?" Dagdag niyang paalala.
Tumango naman ako. "Yes, Ma'am. Pasensya na po talaga."
Ngumiti si Ma'am Lina at tumango. Pagkatapos ay tahimik lang kami sa gilid, naghihintay na may guest na tumawag.
"Hindi ko talaga namukhaan kanina si Ma'am Freya. Well, almost 2 years ko rin naman kasi siya hindi nakita." "P-po?" Tanong ko ng biglang magsalita si Ma'am Lina.
"Ah, 'yang magandang guest na katabi ni Chef. Si Ma'am Freya 'yan, 'yong girlfriend niya na pumunta ng ibang bansa." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Ma'am. Parang nakompirma ko lang ngayon na girlfriend niya nga talaga 'yang babaeng kasama niya. "Tsaka 'yong babaeng nasa tapat niya naalala mo 'yan?" Tanong ni Ma'am Lina sa'kin.
Napatingin ako sa katapat na upuan no'ng sinabi niyang girlfriend ni Flynn, na si Freya. Ang katapat niya ay ang 'yong babaeng pinagalitan ako no'ng isang araw.
"Ah, oo po, Ma'am." Nahihiya kong sagot sa kanya. Kasi si Ma'am Lina kaya 'yong nag save sa akin no'ng araw na napagalitan ako ng babaeng 'yan.
"Mommy pala 'yan ni Ma'am Freya. Di ko siya nakilala no'ng araw na 'yon e. Tsaka 'yang katabi ay asawa ni Ma'am. Then 'yang dalawa na mang mag-asawa rin ay parents ni sir Flynn." Pagkukwento ni Ma'am Lina. Napatitig naman ako sa mga magulang ni Flynn. Ang Mommy niya ay maganda at para pa rin itong bata. Hindi ko alam kong ilang taon na siya pero kung pagbabasehan ko sa nakikita ko ay parang 40+ pa lang ito.
Pagkatapos ay dumako ang tingin ko sa Daddy n'ya. Unlike his mom, medyo halata na may edad na ang papa niya. May mga white hair na kasing nakikita sa mga buhok niya. Pero kahit gano'n ay gwapo pa rin ito. Halatang-halata na habulin din ito ng babae no'ng panahon nila.
Matangos ang ilong, perpektong mukha, at makisig pa rin ang pangagatawan niya. Pero ng may ma-realize ako habang tinitignan siya ay napabaling ulit ako sa katabi nito, sa Mommy ni Flynn mismo.
Papalit-palit akong napapatitig sa kanilang dalawa. Pero iisa lang talaga ang naiisip ko. Bakit parang hindi ata nila kamukha si Flynn?
I mean, sa mesang inuupuan nila ay may dalawang pares ng magulang at dalawang magka-ibang anak na naka-upo. Ang babaeng anak ng isang pares ng magulang, which is si Freya, ay halatang nagmana ang ganda niya sa kanyang ina. Habang ang isang anak na lalaki naman, which is si Flynn, ay bakit hindi yata nagmana kahit isa sa mga magulang niya?
Napakurap-kurap ako ng biglang lumingon ang Daddy niya sa gawi namin. Hindi ko alam pero biglang kumalabog ang puso ko ng walang pag-aalinlangan itong ngumiti sa akin.
To be continued...